top of page

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Financial Education : Sagot sa kahirapan at kaunlaran

 

 

Nakalulungkot isipin na napakaraming mga pilipino ang hindi marunong humawak ng pera o walang sapat na kaalaman sa pananalapi ( Financially iliterate). At hindi ligtas dito ang mga taong may mataas na pinag aralan tulad ng doctor, engineers, lawyers, seaman/ofw at iba pa. Marami sa kanila ang nagreretire ng baon sa utang at worst ay kailangan sumandal sa mga anak sa kanilang pang araw araw na pangangailangan.

 

 

Financial literacy o ang kailaman sa tamang paghawak ng pananalapi ay hindi lamang para sa mga mayayaman. Dapat nating tapusin ang kultura na pag pinanganak kang mahirap ay habang buhay kang mahirap. 

 

 

Here are some practical tips kung paano tayo magkakaroon ng Financial freedom:

 

Evaluate your Current Financial status

 

Ask yourself these questions:

   

    > I have been working so hard every day pero may naiipon ba ako? 

    > Ganito na lang ba lagi ang cycle ng buhay ko?

    > Pag nagkasakit ba ako o nawala ako paano na ang pamilya ko?

    > May konti ako naiipon pero paano ko sia palalaguin?

 

 

Accept your Current situation

 

Napaka importante yung tinatanggap mo sa sarili na may problema ka sa pananalabi at wala ka sa "State of denial. Sa ganitong paraan nabububuksan mo yung kaisipan mo na kailangan mo ng tulong. Madalas kasi ayaw 

natin aminin sa sarili natin because of pride. I just want to reiterate na no one is excused sa problemang pinansiyal kahit ikaw ay may mataas na katungkulan o pinag aralan.

 

​

​

​

 

 

 

 

 

 

 

​

Be financially literate

 

Keeping yourself educated on how money works will lead you to a financial fredom.

 

Education is a continous process so hindi mo matututunan lahat overnight. It is a process. At napaka importante na may nag gaguide sayo na pwede mo gawing financial mentor mo. Di mo kailangang magbayad sa isang tao na magtuturo sayo. You just need to hang out with people na may malawak na kaalaman. Maari ka din umattend ng mga libre na seminar na makakatulong sa iyo or you can read a lot of articles online about practical money management, savings and investment.

 

 

Application and develop discipline

 

Ito yung bagay na nahihirapan tayo gawin madalas. Marami akong kilala na ang dami nang pinuntahan na seminar pero hanggang ngayon financially broke padin. Bakit? Kasi hindi nagkaroon ng disiplina para iaply kung ano man ang natutunan niya. Yung iba naman, sinasabi " Tsaka na ako mag iipon pag lumaki na sweldo ko". If you procrastinate, then you also delaying your financial stability.

 

You need to have that passion and perseverance to be financially literate.

 

 

idplrbanner2.jpg
bottom of page