top of page

​

  7 TIPS PARA IWAS CRITICAL WALLET DAYS

​

​

 

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

critical wallet days.jpg

Naranasan mo na ba yung Tinatawag na Critical wallet days o mas kilala sa tawag na petsa de Peligro?....Yun bang ilang araw bago ang payday ay umiiyak na yung wallet mo kasi paubos na yung laman at di na aabot yung panggastos mo hanggang sweldo?

​

​

Don't worry! Di ka nag iisa....Lahat tayo, in one point  in our life ay na experience natin yan habang tayo ay nasa work force---At naranasan ko din yan at hinanapan ko ng solusyon para iwas stress at para di ako laging naghahanap ng mauutangan pantawid hanggang salary day..

​

And I am going to share it with you TODAY....Please read on....

​

PAANO KA NGA BA MAKAKALABAS SA PETSA DE PELIGRO?

​

Eto yung ginawa ko dati at ginagawa ko hanggang ngayon kasi I find it SO EFFECTIVE...

​

1. Nag isip ako ng bagay na pwede kong isakripisyo na makakatipid ako at yung pera na yun ay itatabi ko araw araw...So ang ginawa ko ay kung dati ay sumasakay ako ng jeep araw araw papunta sa sakayan ng Bus papasok sa opisina which is short distance lang, at gumagastos ako ng 8.00 pesos so 16.00 balikan. So ang ginawa ko tinatabi ko yun daily at ginawa kong 20 pesos para walang butal. Nakaipon na ako, nakapag exercise pa. Kahit wala akong pasok nagtatabi pa din ako sa isang sobre ng 20 pesos.

​

​

 2.  Every payday, aside from the 20 pesos, Nilalagyan ko siya ng bonus na 100 to 300 pesos depende sa sweldo ko during that period para mas lumaki yung ipon. Sinimulan ko siya pala ipunin January 1 ( Pero you can start anytime within the year).

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

3.  Pag may time na dumadating yung petsa de peligro, HUMIHIRAM ako doon at NILILISTA ko magkano binawas ko then pagdating ng sweldo, BINABAYARAN KO WITH INTEREST na 10%. Ginawa ko yun kasi dati pag medyo kinakapos na, nangungutang ako para maitawid yung daily ko na pamasahe at gastos at tinutubuan nila or hihiram sa kakilala pero siempre may utang na loob ka pa. So naisip ko bakit di na lang ako umutang sa sarili kong pera para sa akin din babalik yung tubo at wala pa akong utang na loob sa ibang

​

4.  December that year, nakaipon ako ng almost 10,000 at nagamit ko sa mga expenses ng pasko at New year so di na masyadong nagalaw yung 13th month pay ko so naka pag save ako. So inulit ko siya the following year at ngayon ginagawa ko pa din siya.

​

​

5.  I also advise na if ginawa mo na siya at nadevelop na yung habit mo na yan, pwede mo lakihan yung daily ipon mo the following year. Di mo naman kailangan bawasan yung monthly budget mo..Mag isip ka lang ng mga bagay na pwede mo i give up like kung daily ka nainom ng soft drinks, pwede mo gawing MWF na lang or kung nakaka 10 na stick ka ng sigarilyo, then gawin mong 8 na lang ( If you cannot quit completely) then idagdag mo dun sa daily ipon mo.

​

6.  Pag dating ng December, mas mabuti na mag isip ka ng way paano mo siya mas palalaguin pa---Either mag business ka or iinvest mo sa isang legal na investment para kumita siya overtime. I suggest na you REWARD yourself for a job well done that year so kumuha ka ng portion dun and you treat yourself para mas ma motivate ka pa lalo na gawin siya next coming year.

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

7.  WARNING: There will be times na mate temp ka gastusin yan to buy for something else na di naman importante at di mo maibabalik and back to square 1 ka na naman...Make sure to have that discipline na ibalik yun with interest. Always remind yourself the reason why you started THIS-----PARA DI MO MARANASAN ULI ANG PETSA DE PELIGRO....

​

QUESTION TO ASK YOURSELF: ANO YUNG BAGAY NA PWEDE KO  I GIVE UP TO START THIS IPON CHALLENGE?

​

​

I would appreciate if you can leave a comment or suggestions kung anong content pa yung gusto niyo i share ko. Feel free to share din kung ano yung personal ninyong ipon tips paa mai share natin sa iba....

​

​

"It is not how big you save. What matters is, you have started something for your future"

​

​

​​

​

VUL 749.jpg
Elite 10.png
bottom of page